What follows is a rough translation in Tagalog of the Ifugao poem contained in the above jar shapes. Tulu an Buhi means "The Three Jars". This was my first attempt on shaped poetry. The poem appeared on the first Ubbog Journal of the Ubbog Cordillera based in Baguio City.
Salin ng “Tulu an Buhi”
I
Kaligayahan
Palaganapin
Ilabas na ang pamahan
Upang gamitin natin buhusan
Ng alak, na noon pa iginaralgal
Ating pagharapharapan, pagkilalanan
Ating pagsasaluhan, pagbibigaybigayan
Saan na ang mga mahimig kung kumanta
Umpisahan na ang pag-awit at ang liwliwa
Saan na ang mga marunong sa paggansa
At kami ay sasabay sa mga pagsasayaw
Ating pahabain ang pag-uusap-usap
At maraming laman ang gusi
Upang kung may naihain na
Maging mabuti ang ating panlasa
Ng mga lamang loob at nilagang buto
Lasahan na ang alak bago ang pag-uwi
Mas matamis pa sa tinimplang asukal
Ligaya ang sanhi n gating pagkarito
Ngunit itong alak ang magpapasarap pa nito
II
Baya, Baya (Alak, Alak)
Agos ng kalangitan
Nagmula sa malagong ani ng palay
Biyaya ni Maknongan sa mga mga pamayanan
Lebadura na galing sa laya at halamang onwad
Kapag dumating sa takdang panahon, naging malasa
Pampalipas ng pagkapagod sa pag-alaga ng mga bukirin
Pampalimot ng kapaguran at mga sari-saring hinaing
Siya ring pambuklod ng naglaganap na mga kaanak
Mga mismong kadugo at kaanak ng kabiyak
Dahilang tawagin ang kapitbahay at kabyan
Sanhi ng pakikipagngiti ta pakikipagkilanlan
Dahilan ng pagkatay ng baboy o kalabaw
Upang lasahan ang bunga ng pinagpawisan
Sige, bayuhin niyo ng husto ang palay
Upang maging maganda ang magiging bubud
Pagbutihin ang paghurno
Lagyan ng lebadura at pangbutihang takpan
Malapit na ang mga kasla, gotad, at ahitulu
Upang ating ilabas at mapagsaluhan
III
Nakalasing
Ang mata hindi na nakakalayo
Ang tindig ay hindi na deretso
Pagbuhat sa sarili ay hindi na rin tuwid
Kapag tuyo na ang mga pamhan at gusi
Malakas na ang pananalita, may mga sigaw at tili
Ngitngit ang naiibunga na ng mga usapan at kantyawan
Nailalabas na mga itak, mga inasa pati na rin mga inamag
na
Nakalimutan ang kaligayahan at pagkakapatiran
Naipalit ang poot at lumang nagkakagalitan
Dahil ang hinog na na alak ay kumagat
Sa mga musmos pang buto at ugat
Ang matipunong katawan kapag nakarami
Hindi mapigilan ang galit mula sa budhi
Hindi nito kilala ang kaputol ng pusod
Wala nang hangganan ang pakikitalo at poot
Mas mabuti pa ang mga nakauwi na
Dahil tulog na, nakakumot pa
Ngunit ang mga naiwan at siyang naghuling lagok
Mga sugat, gasgas, bukol ang nariyan at narito